COVID – 19 cases sa bansa umakyat na sa 569,169

Umakyat na sa 569,169 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 26,238 lamang ang aktibong kaso.

May 1,888 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 9,737 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 522,843 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 20 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,088 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: