COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 412,000

Pumalo na sa 412, 097 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 29, 474 lamang ang aktibong kaso.

May 1 ,383 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Cavite na may 81 new cases, Laguna na may 74 new cases, Batangas na may 71 new cases, Quezon City na may 69 new cases at Rizal na may 67 new cases.

Mayroon namang 143 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 374 ,666 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 95 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7, 957 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: