COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 413,000

Pumalo na sa 413,430 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 30,493 lamang ang aktibong kaso.

May 1,337 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 110 new cases, Laguna na may 74 new cases, Quezon City na may 66 new cases, Batangas na may 54 new cases at Manila na may 53 new cases.

Mayroon namang 286 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 374,939 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 41 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Dahil rito, umabot na ngayon sa 7,998 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: