COVID- 19 cases sa bansa , umakyat na sa mahigit 477,000

Umabot na sa 477,807 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 27,721 lamang ang aktibong kaso.

May 891 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Kabilang naman sa mga lalawigan at lungsod na nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng virus infection ay ang Davao City na may 65 new cases, Rizal na may na may 55 new cases, Isabela na may 50 new cases, Maynila na may 40 new cases at Quezon City na may 37 new cases.

Mayroon namang 8,316 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 448,258 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 4 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 9,257 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: