COVID – 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 528 na libo

Umakyat na sa 528,853 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 30,368 lamang ang aktibong kaso.

May 1,583 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 39 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 487,611 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 67 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 10,874 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: