COVID- 19 cases sa bansa umakyat na sa mahigit 530 na libo

Umakyat na sa 530,118 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 31,455 lamang ang aktibong kaso.

May 1,266 naman na bagong kaso ng COVID-19 na naitala ang Department of Health.

Mayroon namang 130 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 487,721 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 68 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 10,942 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: