Daan-daang guro apektado ng bakbakan saMarawi – DEPED

 

Daan-daang guro na ang apektado ng halos isang buwang bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, sa mahigit isanlibo apatnaraang (1,400) gurong hindi makalabas ng lungsod, isandaan pitumpu’t lima (175) ang nananatiling “unaccounted” o hindi pa rin nakikita at nakakausap.

Hindi pa aniya nila alam kung ano na ang sitwasyon ng mga nasabing teacher at hindi pa rin masabi kung nawawala ang mga ito lalo’t nananatiling mahirap ang komunikasyon sa lungsod.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *