Dating DSWD Secretary Erwin Tulfo nanumpa na bilang kinatawan ng ACT-CIS partylist

Nanumpa na kay House majority leader Manix Dalipe si Erwin Tulfo bilang kinatawan ng ACT-CIS partylist.

Pinalitan ni Tulfo si Jeffrey Soriano na nagbitiw sa kanyang posisyon bilang third nominee ng ACT-CIS partylist.

Matatandaang ibasura ng Commission on Appointment o CA ang kanyang appointment bilang Secretary ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Pinayagan ng Commission on Election o COMELEC si Tulfo na pumalit kay Soriano matapos ibasura ng poll body ang kanyang disqualification case.

Sinabi ni Tulfo na bagamat adjournment sine die na ngayong araw ng 1st regular session ng 19th Congress nangako ang mambabatas na magtratrabaho ng husto sa pagbubukas ng 2nd regular session sa July 24, 2023 kasabay ng ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos jr.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *