Kaligtasan ng mga pasahero ipinatitiyak kung aaprubahan ang motorcycle taxi

Pinatitiyak ni Senador Grace Poe ang kaligtasan ng mga pasahero sakaling aprubahan ang panukalang gawing legal ang motorcycle taxi.

Ayon kay Poe na Chairman ng Senate Committee on Public Services, kailangang magpatupad ng highest safety standards.

Kailangan din aniyang masigurong ligtas ang mga rider at pasahero at matiyak na magiging mababa ang bilang ng mga naaksidente .

Sa pagdinig naman ng Senado ay tiniyak  ni Grab Senior executive Vice president Lim Yew Heng na gumagamit sila ng teknolohiya para matutukan ang kanilang mga driver kasama na rito ang tamang pag- uugali at driving skills.

Ginagawa na aniya nila ito sa Thailand, Vietnam at Indonesia kung saan sila nag ooperate.

Bago isalang sa mga lansangan may sapat rin aniya silang training para sa safety measures at tinitiyak na makakarating ng ligtas sa kanilang destinasyon ang mga pasahero.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *