Deployment ng unang batch ng official ballots para sa NCR, sinimulan na ng Comelec

0
COMELEC LOGO

Sinimulan na ng Commission on Elections (comelec), ang deployment ng unang batch ng mga opisyal na balota para sa National Capital Region.

Hudyat ito na nakumpleto na ng Comelec ang deployment ng mga balotang gagamitin sa halalan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Pahayag ni Comelec Chairman George Garcia, “Ngayong araw na ‘to sisimulan na natin ang huling shipment, huling delivery ng mga balota. Sa NCR ito mangyayari.”

Ngayong araw ang delivery ng mga balota ay sa mga lungsod ng Caloocan, Marikina, Valenzuela, Pasig, Quezon City, Muntinlupa, Taguig, Manila, Makati, Malabon, Navotas; at San Juan.

Pansamantala naman itong ilalagak muna sa treasurer’s office ng bawat lungsod.

May mga naka escort ding pulis sa panahon ng delivery ng mga balota.

Ani Garcia, “Iniimbitahan natin ang mga political party, kandidato, interest groups, citizens arm, magpadala kayo ng representative sa opisina ng local treasurer. Expectedly ngayong araw, itong mga balota na ito madi-distribute sa siyudad na intended para sa araw na ‘to para makita natin kung saan nila ilalagak.”

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *