Pito katao patay sa nangyaring pambobomba sa South Sudan

0
Pito katao patay sa nangyaring pambobomba sa South Sudan

A fire burns following an aerial bombardment that resulted in casualties at the medical charity Medecins Sans Frontieres run facility destroying the last remaining hospital and pharmacy in the northern town of Old Fangak in Fangak county, South Sudan May 3, 2025. Medecins Sans Frontieres/Handout via REUTERS

Hindi bababa sa pito katao ang namatay at dalawampung iba pa ang nasaktan, habang nawasak din ang natitirang ospital at botika sa nangyaring pambobomba sa Fangak county, sa South Sudan.

Ayon sa medical charity na Medecins Sans Frontieres (MSF), ang bomba ay bumagsak sa botika, sanhi upang ito ay masunog at nasira naman ang ospital.

Sinundan ito ng pagbagsak ng isa pang drone bomb sa Old Fangak, isang bayan sa Greater Upper Nile region.

Ayon sapahayag ng MSF, “Old Fangak Hospital is the only hospital in Fangak county, serving a population of over 110,000 people who already had extremely limited access to healthcare.”

Hindi naman agad malinaw kung sino ang nasa likod ng pag-atake o kung ano ang motibo nito.

Hindi rin nagbigay pa ng komento ang mga tagapagsalita mula sa gobyerno at army.

Pormal nang naging payapa ang South Sudan noong 2018, makaraang tapusin ng isang kasudnuang pangkapayapaan ang limang taon nang civil war, sa pagitan ng mga puwersang tapat kay President Salva Kiir at mga tapat sa kay First Vice President Riek Machar.

Gayunman, ang pagkaka-aresto kay Machar noong Marso kaugnay ng mga reklamong pagpaplano ng rebelyon, ay nagbunga ng international concern na maaaring muling bumangon ang mga hidwaan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *