Pagtaas ng presyo ng bawang , muling bubusisiin ng Senado

Duda si Senador Cynthia Villar na may nagaganap na kartel sa likod ng pagtaas ng presyo ng bawang sa mga pamilihan.

Naghain na si Villar ng Senate Resolution 389 para maimbestigahan ng Committee on Agriculture ang muling pagsirit ng presyo ng bawang.

Aalamin ng Senado kung may kaugnayan ito sa nangyari noong 2014 na tumaas ang presyo ng bawang na umabot sa 300 pesos kada kilo.

Nais ng mambabatas na pagpaliwanagin ang mga opisyal ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry kung bakit pinapayagan na kinakartel ang presyo ng bawang.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *