Development sa San Jose del Monte Bulacan massacre, personal na minomonitor ni Pangulong Duterte

Kinumpirma ni PNP Chief PDGen. Ronald dela Rosa na personal na mino-monitor ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sensational crime lalo na ang kasong massacre sa Bulacan.

Sinabi ni dela Rosa na binibigyan niya ng update si Pang. Duterte kaugnay sa kaso dahil hindi nakakatulog ang Pangulo dahil nanggigil ito sa nangyaring pamamaslang sa San Jose del Monte, Bulacan.

Aminado rin ang PNP Chief na emotionally invested ang Pangulo sa nasabing kaso.

Batay sa naging pahayag ni Pang. Duterte, kaniyang sinabi na dapat patayin din ang suspek dahil sa kaniyang pagpatay sa limang miyembro ng pamilya kabilang ang tatlong menor-de-edad.

Tiniyak naman ni dela Rosa na kanila nang tinutugis ang isa pang suspek na sangkot sa pagmasaker sa limang miyembro ng pamilya.

Pinaliwanag naman ng PNP Chief kung bakit pinakawalan ang ikalawang suspek sapagkat wala pang nakikitang mabigat na ebidensiya ang pulisya laban dito.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *