PNP Chief dela Rosa naniniwalang mahina ang quality ng droga na ginamit ng suspek na si Ibanez kaya ito nag negatibo sa illegal na droga

Ipinaliwanag ni PNP Chief Gen. Ronald dela Rosa kung bakit nag negatibo sa drug test ang principal suspek sa pagmasaker sa limang miyembro ng pamilya sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon kay dela Rosa, posibleng mahina ang quality o mababa ang quantity ng droga na ginamit ng suspek na si Carmelino Ibanez kaya matapos ang 48 oras ay natanggal na agad ito sa katawan.

Una nang inamin ng suspek na lango ito sa droga at alak kung kaya’t nagawa niyang patayin ang limang miyembro ng pamilya.

Naniniwala naman si dela Rosa na ang ginawang pag-amin ni Ibanez sa krimen ay malaking epekto sa kasong isinampa laban sa kaniya na rape at murder kumpara sa nag negatibong drug test.

Pagtiyak naman ni dela Rosa ginagawa nila ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pamilya ng mga biktima.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *