DOH muling nakapagtala ng mahigit 5 libong bagong kaso ng Covid-19 sa bansa

Umaabot na sa 56,170 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 5,414 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 7,637 naitalang bagong gumaling.

May 158 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kayat umabot na sa 23,121 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,332,832 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,253,541 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: