DOH muling nakapagtala ng mataas na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala na naman ng mataas na bagong kaso ng COVID- 19 cases ang Department of Health na nasa 7, 757.

Dahil rito, umakyat na sa 663, 794 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Sa bilang na ito, 73, 072 lamang ang aktibong kaso.

Mayroon namang 15, 288 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 577,754 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 39 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,968 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: