DOH nakapagtala ng 3,788 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ang Department of Health ng 3,788 na bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Dahil rito, ayon sa Department of Health, umabot na sa 3,630,637 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID- 19 na naitala sa bansa.

Ang aktibong kaso naman ng COVID- 19 sa bansa ngayon, nasa 91,147.

May 5,652 namang naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 3,484,636 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

May 72 namang naiulat na nasawi, kaya umabot na sa 54,854 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ay operational noong February 09, 2022 at 1 naman ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Repository System.

Please follow and like us: