DOH nakapagtala ng 5,908 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Umaabot na sa 53,665 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 5,908 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 7,698 naitalang bagong gumaling.

May 90 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kayat umabot na sa 25,063 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,430,419 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,351,691 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Please follow and like us: