DOJ nagisyu ng lookout bulletin order laban sa 139 miyembro ng Maute at ASG na una nang ipinapaaresto dahil sa rebelyon sa Marawi

Inilagay ng DOJ sa Immigration Lookout Bulletin Order ang 139 miyembro ng Maute, Abu Sayyaf at iba pang mga kaalyado nito na ipinapapaaresto dahil sa kaguluhan at rebelyon sa Marawi City.

Ang LBO ay ipinalabas ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II kasunod ng arrest order ni Martial Law Administrator at Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga nasabing indibidwal dahil sa rebelyon na paglabag sa ilalim ng Article 134 ng Revised Penal Code.

Layunin nito na matiyak na hindi makakalabas ng bansa ang mga naturang terorista.

Sa ilalim ng LBO inaatasan ang lahat ng mga immigration officer na maging mapagmatyag kapag mamataan ang 139 nasa arrest order sa alinmang international port o seaport.

 Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *