Marawi City RTC inatasan na magkaroon ng temporary office sa Iligan City Hall

Sa Iligan City Hall of Justice ang magiging pansamantalang tanggapan ng mga hukuman sa Marawi City dahil sa patuloy na kaguluhan at bakbakan ng pwersa ng gobyerno at ng teroristang grupong Maute doon.

Sa direktibang ipinalabas ni Court administrator Jose Midas Marquez, inatasan nito si Marawi City RTC Executive Judge Wenida Papandayan na magkaroon ng temporary office at bumuo ng  skeletal force sa Iligan City.

Iniutos din ni marquez kay Papandayan na makipag-ugnayan kay Iligan City RTC Executive Judge Anisah Umpa kaugnay nito.

Binanggit ni Marquez ang nakasaad sa saligang batas na hindi sinususpinde ng Martial Law ang operasyon ng mga Korte kaya dapat business as usual ang Marawi courts at maaksyunan ang mga urgent matters.

Sinabi pa ni Marquez na “all accounted” ang lahat ng mga court personnel sa Marawi City.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *