Edgar Matobato, pinaaaresto na ng Davao del Norte RTC

Ipinaaresto na ng Davao del Norte Regional Trial Court ang nagpakilalang miyembro ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato.

Walang inirekomendang piyansa si Judge Dorothy Gonzaga ng RTC 11th Judicial Region Branch 4 para sa kalayaan ni Matobato na may kinakaharap na kasong kidnapping.

Nabatid na ang kasong kidnapping ay isinampa ng National Bureau of Investigation Regional Office sa Davao.

Nauna nang inamin ni Matobato sa pagdinig ng Senado na dinukot niya ang isang Makdum sa Samal Island sa Davao noong 2002.

Bukod kay Matobato,pinaaaresto na rin ang kaniyang kapwa akusado na si Sonny Custodio.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *