FG Arroyo, humirit sa Sandiganbayan na makapunta ng Europa

Humirit si dating First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo sa Sandiganbayan na pagbigyan siya na makabiyahe  ng isang buwan, sa pitong bansa sa Europa sa Mayo.

Sa mosyon na inihain ni Arroyo sa 7th Division ng anti-graft court, humingi siya ng permiso para makabiyahe sa Spain, France, Denmark, Norway, Hungary, Czech Republic at Italy, mula May 15 hanggang June 17.

Nakasaad sa mosyon, pinagbigyan na noon si Arroyo na makapag-abroad at lagi namang bumabalik sa Pilipinas.

At dahil hindi pa nahahatulan, may karapatan pa rin ang mister ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na makabiyahe, at handang sumunod sa requirements ng korte.

Si Arroyo ay nalitis dahil sa kasong graft, kaugnay sa kwestiyunableng pagbili ng Philippine National Police ng dalawang 2nd hand na helicopters noong 2009.

 

 

Please follow and like us: