Mag-amang Binay, humirit sa Sandiganbayan na makalabas ng bansa

Umapela sa Sandiganbayan sina dating Vice President Jejomar Binay at anak na si dating Makati City Mayor Jejomar Erwin Binay na pahintulutan silang makabiyahe sa Israel sa Mayo para sa isang pilgrimage.

Sa magkahiwalay na mosyon na isinumite sa Third Division ng anti-graft court, hiniling ng mag-ama na payagan silang makabiyahe sa Israel sa Mayo 15 hanggang 29.

Matatandaan na ang mga kaso laban sa mga Binay ay nag-ugat sa umano’y pakikipagsabwatan sa iba pang opisyal ng lungsod para sa pag-award ng kontrata sa Mana Architecture and Interior Design, Co. (MANA) para sa design ng Makati City Hall Building II project, na umano’y hindi dumaan sa public bidding.

Ayon sa Office of the Ombudsman, umabot sa P11,011,294.77 ang ibinayad sa MANA kahit hindi naman nasunod ang inaprubahang plano at ang specifications na nakasaad sa ilalim ng kontrata.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.