Galit ni Pang. Duterte sa ABS CBN at Philippine Daily Inquirer hindi nangangahulugan ng pagkitil sa kalayaan sa pamamahayag sa bansa ayon sa Malakanyang

Nagpaliwanag ang Malakanyang sa prangkang pagmumura at galit ni Pangulong Duterte sa  ABS CBN at Philippine Daily Inquirer.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella  hindi pag-atake sa Philippine Media ang ginawang pagmumura ng Pangulo sa ABS CBN at Philippine Daily Inquirer.

Ayon kay Abella ang hakbang ng Pangulo ay paglalabas lamang ng sama ng loob sa hindi patas na pag-uulat ng nabanggit na media companies.

Inihayag ni Abella na mismong ang Pangulo ang nagsabi na hindi niya hahadlangan ang pagbatikos sa kanya sa ngalan ng check and balance.

Niliwanag ni Abella na ang inaangalan ng Pangulo ay ang hindi patas na pagrereport ng ABS CBN at Philippine Daily Inquirer na pinalulutang na tila naghuhuramentado ang Pangulo sa kanyang bayan.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *