Neurological diseases na nararanasan ng mga kababaihan , tinalakay ng mga eksperto, bilang bahagi ng Women’s month celebration

“The Journey of Women in ADHD, Alzheimer’s Disease and Epilepsy” ito ang tema ng talakayan ng mga eksperto sa naturang mga sakit na dinaranas ng maraming kababaihan sa kasalukuyan.

Isa ang Alzheimer’s Disease sa mga neurological disoder na nabanggit ang ngayon ay nararanasan ng maraming kababihan lalong lalo na ang may edad 60 pataas.

Ayon kay Dra. Socorro Martinez, Chairperson, Dementia Council of the Philippine Neurological Association, ang Alzheimers disease ay isang kundisyon nabubura ang lahat ng alala ng isang tao dahil unti unti nang napipinsala ang kanyang utak.

Bukod sa alaala, nawawala rin ang mga normal na kaalaman tulad ng lugar , oras at mga gawaing natural naman na ginagawa ng isang tao.

Sinabi ni Dra. Martinez na maraming may sakit na Alzheimers sa bansa, ang iba, inaakala lamang na pagiging ulyanin ito ngunit yaon pala ay indikasyon na ng sakit na Alzheimers.

Dagdag pa ni Dra. Martinez walang gamot na tuluyang makakagaling sa Alzheimer’s.

Ang mahalaga ay malaman at makita agad ang mga sintomas nito upang hindi naman malagay sa sakuna at peligro ang pasyente, maging ang kanilang pamilya.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

Please follow and like us: