Higit 230 health protocol violators, naitala sa Zamboanga city

199805476_791549918184334_275402292030105022_n

Nakapagtala ng 235 violations ang Zamboanga city sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Zamboanga City Police Office (ZCPO), ilan sa mga naitalang paglabag ay hindi pagsunod sa physical distancing, paglabag sa curfew, hindi pagsusuot ng face mask at face shield, unauthorized motorcycle backriding, paggamit ng hindi otorisadong helmet at bigong makapagprisinta ng valid ID.

Ang lungsod ay nananatiling nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Please follow and like us: