Ilang lansangan sa M. Mla, kukumpunihin ng DPWH ngayong weekend

Magsasagawa ng pagkukumpuni sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila ang Department of Public Works and Highways  ngayong weekend.

Dahil dito, inabisuhan na ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga motorista na iwasan ang mga apektadong lansangan.

Magsisimula ang re-blocking at repair works alas 11:00 mamayang gabi (March 10, biyernes) hanggang alas 5:00 ng umaga sa Lunes, March 13.

Narito ang mga kalsadang maaapektuhan:

-Mindanao Avenue (mula Mindanao Ave. bridge hanggang Tandang Sora Ave.)

-Commonwealth Avenue (mula Don Jose St. hanggang San Simon St.)

-Quirino Highway (mula Mindanao Ave. hanggang Bernardino St.)

Westbound:

-Congressional Ave. Extension (sa harap ng Shell Manila)

Payo ng MMDA,maghanap na lamang ng alternatibong ruta ang mga motorista para hindi maperwisyo sa biyahe.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *