Ilang mga kumpanya sa Q.C at Makati, sinampahan ng tax evasion cases ng BIR sa DOJ

Ilang kumpanya sa lungsod ng Makati at Quezon ang sabay-sabay na ipinagharap ng BIR ng reklamong tax evasion sa DOJ.

Pinakamalaki sa hinahabol ngBIR ang Kamada Mechanical Contractors sa Makati City at ang presidente at chairman nito na si Jimmy H. Kang dahil sa halos ₱53M na hindi binayarang buwis noong 2008.

Sinampahan din ng tax evasion ang Import Service Company sa Makati na CWS Philippines Incorporated at mga opisyal nito na si Jacqueline Lane at David G. Lane, presidente at treasurer dahil sa tax liabilities noong 2008 na ₱5.51M.

Samantala, halos ₱18M naman na buwis ang bigong bayaran ng Enphlow Incorporated sa Quezon City at presidente nito na si Kim Songhoon noong 2010.

Kinasuhan din ng tax evasion ang Philippine Association of Hog Raisers Inc. at presidente na si Soledad F. Agbayani at treasurer na si Manuel So dahil sa tax deficiencies na₱ 4.27M noong 2008.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *