New York Times inakusahan ng Malakanyang na kasabwat sa demolition job laban kay Pang. Duterte

Tinukoy ng Malakanyang na kasabwat ang New York Times sa demolition job para ibagsak sa poder ng kapangyarihan si Pangulong Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella halatang pinoponduhan ang New York Times para sirain si Pangulong Duterte sa mata ng international community sa kanilang inilathalang artikulo na may pamagat na Becoming Duterte: The Making of a Philippine Strongman.

Ayon kay Abella ginagamit ng mga pulitikong kalaban ng Pangulo ang mga hack writers para idiin ang admnistrasyon sa ipinaparatang na Extra Judicial Killings sa bansa kaugnay ng giyera ng gobyerno sa ilegal na droga.

Inihayag ni Abella na hindi makakahadlang kay Pangulong Duterte ang mga negatibong artikulo sa International Media para tuparin ang campaign promise na bakahin ang ilegal na droga, kriminalidad at katiwalian sa pamahalaan.

Ulat ni : Vic Somintac

Please follow and like us: