Ilocos Norte Governor Imee Marcos, humarap sa House hearing kaugnay sa isyu ng Tobacco Excise Tax
Sumipot sa hearing ng House Committee on Good Government si Ilocos Norte Governor Imee Marcos.
Kaugnay ito sa kinukuwestyong paggamit ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte sa tobacco excise tax.
Ayon kay Marcos, nagpasya siyang dumalo sa pagdinig bilang pagrespeto sa ipinadalang subpoena sa kanya.
Nais rin niyang kunin ang nasabing pagkakataon para makapagpaliwanag at magbigay linaw sa isyu.
Kasamang dumating ni Marcos sa Kongreso si dating Senador Juan Ponce Enrile na hiningan niya ng tulong para sa imbestigasyon.
Matatandaan na anim sa lokal na opisyal ng Ilocos Norte Provincial Government ang nakakulong ngayon sa Kongreso matapos i-cite for contempt dahil sa umano’y hindi maayos na sagot sa excise tax investigation.