BBL posibleng lumusot na sa Kamara sa 2018 – Speaker Alvarez

Target ng mababang kapulungan ng Kongreso na mapagtibay  ang Bangsamoro Basic Law bago matapos ang taon.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, ito ay kung sesertipikahang urgent ni Pangulong Rodirgo Duterte ang BBL.

Wala naming plano si Alvarez na bumuo pa ng Ad Hoc committee na tututok sa BBL.

Samantala, tanggap naman ni Alvarez na matatagalan pa ang pag-amiyenda sa Konstitusyon gayundin ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno patungong Pederalismo.

Paliwanag ni Alvarez, nakabitin pa rin sa Malacañang hanggang ngayon ang pagtatalaga ng mga bubuo sa Constitutional Commission o (ConCom).

Ang ConCom ang maglalatag ng mungkahing amiyenda sa saligang batas.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *