Pagharap ni Pangulong Duterte sa mga raliyista, ikinaalarma ng PNP

Aminado ang pamunuan ng Philippine National Police na isang security nightmare ang pagharap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga raliyista pagkatapos ng kaniyang State of the Nation Address.

Ayon kay Quezon City Police director Chief Supt. Guillermo Eleazer, bagaman naka-full alert sila sa kasagsagan ng SONA ay mas dinoble nila ang pagiging alerto noong nagpasya ang Pangulo na makipagpulong sa mga raliyista.

Dagdag pa ni Eleazar sa kabuuan ay naging mapayapa ang isinagawang pagra-rally ng iba’t-ibang grupo hanggang matapos ang SONA.

Magugunitang nagpasya ang Pangulo na kausapin ang mga raliyista matapos ang kaniyang talumpati.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *