India at Pakistan, inakusahan ang isa’t isa ng mga pag-atake sa gitna nang tumitinding labanan


Men are seen through windowpanes of a residential house damaged by a cross-border shelling in Gingal village near the Line of Control (LoC) between India and Pakistan, in Indian Kashmir’s Baramulla district, May 9, 2025. REUTERS/Stringer
Nag-akusahan sa isa’t isa ang India at Pakistan nang paglulunsad ng bagong military attacks ngayong Biyernes, gamit ang drones at artillery para sa ikatlong araw na nang pinakamalalang labanan sa pagitan ng nuclear-armed South Asian neighbours, sa halos tatlong dekada.
Ang matagal nang magkaaway ay nagsagupaan simula nang atakihin ng India ang maraming lugar sa Pakistan noong Miyerkoles, na anito’y “terrorist camps,” bilang ganti sa mapaminsalang pag-atake sa Hindu tourists sa Indian Kashmir noong isang buwan.
Itinanggi ng Pakistan na sangkot ito sa pag-atake ngunit ang dalawang bansa ay kapwa nagpalitan ng cross-border fire at nagpadala ng drones at missiles sa airspace ng bawat isa mula noon, kung saan apat na dosenang katao na ang nasa bingit ng kamatayan dahil sa karahasan.
Nagsitakas ang villagers sa border areas ng dalawang bansa at maraming mga siyudad ang dumanas ng blackouts, nagpatunog ng air raid warnings at ang mga tao ay nag-panic buying ng mga pangunahing kailangan.
Sinuspinde rin ng India ang kanilang prestihiyosong Indian Premier League T20 cricket tournament, makaraang mahinto sa kalagitnaan ng laro ang isang match nitong Huwebes at pinatay ang floodlights.

A family sits in an open restaurant just before a suspected Pakistani attack in Jammu, May 8, 2025. REUTERS/Adnan Abidi
Ang labanan ang itinuturing na “deadliest” simula nang magkaroon ng limited conflict sa pagitan ng dalawang bansa sa Kashmir Kargil region noong 1999. Tinarget ng India ang mga siyudad sa mainland provinces ng Pakistan sa labas ng Pakistani Kashmir sa unang pagkakataon mula nang mangyari ang kanilang full-scale war noong 1971.
Ayon sa Indian Army, “Pakistani troops had resorted to ‘numerous cease fire violations’ along the countries’ de-facto border in Kashmir, a region that is divided between them but claimed in full by both.”
Dagdag pa nito, “The drone attacks were effectively repulsed and befitting reply was given to the CFVs (ceasefire violations), all nefarious designs would be responded to with force.”
Sinabi naman ni Pakistani Information Minister Attaullah Tarar, na ang pahayag ng Indian army ay “baseless and misleading,” dahil ang Pakistan ay hindi naman nagsagawa ng anumang “offensive actions” na tinarget ang mga lugar sa loob ng Indian Kashmir o lampas sa hangganan ng bansa.
Sa Pakistani Kashmir, sinabi ng mga opisyal na ang “heavy shelling” mula sa magkabilang border ay ikinamatay ng limang sibilyan, kabilang ang isang sanggol, at 29 naman ang nasaktan nitong Biyernes ng umaga.
Hindi naman agad na tumugon o nagbigay ng komento ang defence ministry ng India, nang hingan ng komento.