Isa pang Tropical Depression namataan sa labas ng PAR weekend magiging maulan -PAGASA

Asahan na ang mga pag-ulan hanggang weekend dulot ng tatlong weather disturbances sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon sa PAGASA, patuloy na makakaapekto sa lagay ng panahon hanggang sa linggo ang severe Tropical Storm Gorio.

Bukod sa Bagyong ‘Gorio’, isa pang Tropical Depression ang namataan ng PAGASA sa West Philippine Sea sa layong 380 kilometro West Northwest ng Sinait, Ilocos Sur.

Ayon sa PAGASA, nasa labas ito ng PAR at hindi inaasahang papasok sa teritoryo ng bansa.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *