ISIS mayroong 20 cell groups na nag-ooperate sa Mindanao ayon sa OSG

 

Isiniwalat ng Office of the Solicitor General na mayroon 20 cell groups ng ISIS ang nag-o-operate sa Mindanao.

Ito ay bukod pa sa Abu Sayaff, Maute group, BIFF at AKP na nangako ng katapatan sa islamic state.

Sa kanilang memorandum sa Korte Suprema, sinabi ng OSG na ang cell groups na ito ay naglunsad na rin ng mga pag-atake sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga at Davao na ang layunin ay hindi lamang maghasik ng takot kundi magdeklara ng hiwalay na teritoryo sa Pilipinas.

Sa loob lamang anila ng taong ito, aabot na sa 43 ang mga mararahas na pag-atake na inilunsad ng nasabing mga grupo at karamihan sa mga insidenteng ito ay mga pagsabog, panggigipit at pagdukot.

Kabilang sa mga sinasabing cell group na nasa Mindanao ay ang mga sumusunod:

  1. Ansar Dawiah Fi Filibbin
  2. Rajah Solaiman Islamic Movement
  3. Al Harakatul Islamiyah Battalion
  4. Jama’at Ansar Khilafa
  5. Ansharul Khilafah Philippines Battalion
  6. Bangsamoro Justice Movement
  7. Khilafah Islamiya Mindanao
  8. Abu Sayyaf Group (Sulu faction)
  9. Syuful Khilafa Fi Luzon
  10. Ma’rakah Al-Ansar Battalion
  11. Dawla Islamiyyah Cotabato
  12. Dawlat Al Islamiyah Waliyatul Masrik
  13. Ansar Al-Shariyah Battalion
  14. Jamaah al-Tawhid wal Jihad Philippines
  15. Abu Dujanah Battalion
  16. Abu Khubayn Battalion
  17. Jundallah Battalion
  18. Abu Sadr Battalion
  19. Jamaah Al Muhajirin wal Anshor
  20. Balik-Islam Group

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *