Petitioners kontra Martial Law hindi kumbinsido na may sapat na batayan ang presensiya ng ISIS sa Mindanao

Naniniwala ang mga petitioner kontra sa batas militar sa Mindanao na walang sapat na batayan ang presensiya ng ISIS doon at ang suporta sa mga ito ng lokal na terorista sa rehiyon.
Ito ang ikinatwiran ng grupo ng opposition congressmen sa kanilang isinumiteng memorandum sa Korte Suprema para bigyang diin na walang sufficient factual basis ang Proclamation 216 ni Pangulong Duterte kaya dapat itong ipawalang-bisa.
Iginiit ng mga taga-oposisyon na hindi maituturing na kaalyado ng Maute at Abu Sayyaf groups ang ISIS dahil hindi naman sila kinikilala ng islamic state.
Sampung mga bansa pa lang ang idineklara ng ISIS na bahagi ng kanilang caliphate at kinikilala nila bilang wilayah o probinsya at ito ay ang: Kenya, Somalia, Nigeria, Egypt, Morocco, Jordan, Saudi Arabia, Yemen, Afghanistan at Pakistan.
Maituturing lang na propaganda ng Maute at ng grupo ni Isnilon Hapilon ang paglaladlad ng mga watawat ng daesh o ISIS sa Marawi City para ipakita na sila ay sinusuportahan ng daesh.
Binanggit ang inihayag ni dating National Security Council Senior Consultant Ashley Acedillo na hindi makakabuo ng balwarte ang Maute group sa alinmang bahagi ng Mindanao dahil masyadong maliit ang pwersa nito kung ikukumpara sa mga tropa ng pamahalaan.
Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *