Justice Secretary Menardo Guevarra, itinalagang OIC habang wala si Pangulong Duterte sa bansa

Magsisilbing Officer in Charge o OIC si Justice Meynardo Guevarra habang wala sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte upang dumalo sa 34th ASEAN summit sa Bangkok, Thailand.

Sa Special Order 631 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea magsisilbing caretaker si Guevarra mula June 21 hanggang June 23.

Pananagutan ni Guevarra ang pangangasiwa sa pang araw araw na  operasyon ng Executive Department mula sa mga nabanggit na petsa.

Sa ilalim din ng Special Order 631 ay inaatasan ang bawat departamento o kagawaran na ipagkaloob ang kaukulang pagtulong sa itinalagang OIC na aakto sa general administrative function sa Executive Office.

Mamayang hapon nakatakdang umalis ang Pangulong Duterte papuntang Bangkok Thailand kasama ang ilang miyembro ng gabinete.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *