Mga water concessionaires, pinagpapaliwanag ng MWSS dahil sa mga di-inanunsyong water interruptions

Pinagpapaliwanag na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang Manila Water at Maynilad sa mga hindi ini-anunsyong water service interruptions sa Metro Manila.

Ayon kay MWSS Chief Regulator Atty. Patrick Ty, nagpadala na sila ng sulat sa dalawang water concessionaires dahil sa hindi pagsunod sa mga itinakdang schedule.

Nauna nang inulan ng reklamo ang maynilad at manila water dahil sa hindi pagsunod sa kanilang mga schedule.

Sinabi ni Ty na pinag-aaralan na rin nila ang parusang maaaring ipataw laban sa mga water concessionaires.

Sa kasalukuyang batas maari aniyang patawan ng parusa ang mga ito kung paulit-ulit na lumalabag sa kanilang mga announcement sa kawalan ng suplay ng tubig.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *