Labi ni Mayor “Aldong” Parojinog at kapatid na si Octavio, nagpositibo sa gun powder nitrate

Nagpositibo sa gun powder nitrate ang labi ni Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog at ang kapatid nitong si board member Octavio Parojinog at anim pa sa kanilang mga tauhan.

Tugma ito sa report ng Ozamiz City Police na nanlaban ang mga Parojinog.

Hindi naman isinailalim sa paraffin test ang asawa ni Mayor Aldong na si Susan at kapatid na si Mona dahil wala naming nakuhang baril sa kanilang tabi.

Lumabas din sa autopsy report na hindi gunshot kundi blast wound mula sa sumabog na granada ang ikinamatay nina Susan, Octavio at Mona.

Habang si Mayor Parojinog ay nasawi dahil sa natamong tig-isang tama ng bala sa dibdib at mukha.

Pero batay sa report, hindi malapitang binaril si Mayor Aldong gaya ng sinasabi ng isa sa mga naka-survive sa panig ng mga Parojinog.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *