Mga residente ng Ozamis City pinakakalma ni PNP Chief dela Rosa

Pinakakalma ni Philippine National Police Chief Director General Ronald dela Rosa ang mga residente sa Ozamiz City kaugnay sa kumakalat na text messages na magkakagulo sa lugar dahil reresbak ang pamilya ng napaslang na si Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Apela ni dela Rosa sa publiko, huwag matakot at ipagpatuloy lamang ang normal na pamumuhay.

Dagdag ni dela Rosa, nakaalerto na ang Ozamiz PNP sa anumang posibleng banta mula sa mga kaalyado ni Parojinog.

Sa ngayon aniya, tahimik ang Ozamiz at kung mayroon mang panganib ay aabisuhan kaagad ng PNP ang publiko.

Humihingi rin ng kooperasyon si dela Rosa sa publiko na makipagtulungan sa kanilang hanay para masawata ang anumang banta sa seguridad.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *