LTO driver’s license plate deal ipinapahinto ng isang kongresista sa Korte Suprema

Dumulog sa Korte Suprema ang isang kongresista para ipatigil ang LTO driver’s license plate project dahil sa walang pondong nakalaan dito sa ilalim ng pambansang budget noong 2016

Sa kanyang petisyon, hiniling ni ACTS OFW partylist Representative Aniceto Bertiz III sa Supreme Court na ipahinto ang implementasyon ng driver’s license plate deal na nagkakahalaga ng halos 830 million pesos.

Nais ni Bertiz na ideklara ng Korte Suprema na uncons-titu-tional ang nasabing proyekto dahil wala ni isang sentimo na nakalaan dito sa 2016 general appropriatons act na paglabag sa section 29 ng saligang batas.

Hinimok din niya ang Kataas Taasang Hukuman na magpatawag ng oral arguments sa kanilang petisyon.

ilan sa tinukoy na respondents sa petisyon sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Transportation Secretary Arthur Tugade, Budget Secretary Benjamin Diokno, National Treasurer Rosalia de Leon at Commission on Audit Chairman Michael Aguinaldo.

Naigawad na ng LTO ang kontrata noong Abril sa Nextix, Dermalog Identification Systems, at CFP strategic transaction advisors joint venture para sa walong milyong license plastic cards.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *