Magnitude 4.0 na lindol sa La Union, walang inaasahang aftershocks- Phivolcs

2021_0519_1908_B2F

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang La Union.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig kaninang alas-3:08 ng madaling-araw, 11 kilometro Silangan ng bayan ng Rosario.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 15 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Baguio city.

Wala namang inaasahang aftershocks kasunod ng pagyanig.

Please follow and like us: