Mahigit 20 libong bagong kaso ng COVID- 19,naitala sa bansa

Umabot na sa 180,293 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 20,745 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 22,290 ng naitalang bagong gumaling.

May 163 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 35,307 parin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 2,248,071 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 2,032,471 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: