Mahigit 5 libong bagong kaso ng COVID-19 naitala sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health ng 5,310 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,193,976 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 46,037 naman ang aktibong kaso.

May 7,408 naitalang bagong gumaling mula sa COVID-19.

Sa ngayon, umabot na sa 1,127,770 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 150 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 20,169 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: