Malakanyang nanawagan sa natitirang Maute group sa Marawi City na sumuko na

Nanawagan ang Malakanyang sa mga nalalabing miyembro ng Maute group sa Marawi city na sumuko na.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kung susuko na lamang ang natitirang miyembro ng Maute matatapos na ang problema at mababawasan narin ang damage sa mga ari-arian at casualties sa mga siblyan.

Samantala nagpapasalamat ang Malacanang sa Mayorya ng Senado bunsod ng suporta nito sa dineklarang Martial Law ni Pangulong Duterte sa buong Mindanao.

Itoy matapos lumagda sa isang resolusyon ang 15 sa 23 Senador na nagsasabing walang dahilan para ipawalang bisa ang Martial Law sa buong Mindanao.

Ayon kay Abella labis ang pasasalamat ng Malakanyang sa Senado ngunit kailangan ding  makuha ang suporta ng buong gobyerno.

Gaya ng inaasahan, ang mga Senador na hindi lumagda sa resolusyon ay sina Senador Francis Pangilinan, Franklin Drilon, Bam Aquino, Risa Honteveros, Leila de Lima, Antonio Trillanes Grace Poe at Chiz  Escudero.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *