Malaysian ex-PM Mahathir, ipinasok sa ospital

FILE PHOTO: Malaysia’s former prime minister Mahathir Mohamad, speaks at a press conference in Kuala Lumpur on August 7, 2020 to announce the formation of a new political party. (Photo by Vincent Thian / POOL / AFP)

Ipinasok sa ospital 96-anyos na dating Malaysian prime minister na si Mahathir Mohamad, at sasailalim ito sa isang full medical check-up.

Ayon sa National Heart Institute, dumating si Mahathir alas-7:00 kagabi at inaasahang mananatili doon ng ilang araw.

Hindi naman sinabi ng pagamutan kung bakit ipinasok sa kanilang pasilidad ang dating prime minister, at tumanggi ring magbigay ng detalye ang mga aide nito.

Si Mahathir ay nagkaroon na ng problema sa puso sa mga nakalipas, kung saan nakaranas na ito ng ilang atake at sumailalim na rin sa bypass surgery.

Isa siya sa pinaka dominanteng political figures ng Malaysia, na dalawang ulit na naging prime minister o kabuuang 24 na taon.

Una siyang namuno mula 1981 hanggang 2003, at muling nagsilbi bilang prime minister ng Malaysia noong 2018 sa edad na 92.

Subali’t bumagsak ang administrasyon noong 2020 dahil sa internal conflict.

Please follow and like us: