Maraming dayuhang turista nagkansela ng booking sa mga hotel dahil sa takot na bumisita sa bansa – DOT

Inamin ni Department of Tourism Secretary Wanda Teo na maraming dayuhang turista ang nagkansela ng booking sa mga hotel dahil sa takot na bumisita sa bansa.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, lumago ang domestic tourism expenditure ng 19% mula ₱1.7 trillion noong 2015 at umakyat ng ₱2.1 trillion noong 2016.

Nais namang  malaman ng mga Senador sa DOT kung ano ang kanilang diskarte sa turismo upang maibsan ang pangamba ng mga turista hinggil sa kaguluhan sa Mindanao.

Matatandaang nakaladkad sa kontrobersiya ang DOT matapos ulanin ng batikos sa umano’y kinopyang tourism commercial ng South Africa kaya napilitan ang kagawaran na ibasura ang kontrata sa Mccann Worldwide Group na gumawa ng komersiyal.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *