May pakana ng People’s Initiative pinalalantad ng mga Senador

Lumantad at umamin na kayong mga may pakana ng People’s Initiative.

Yan ang sagot  ni Senador Francis Escudero sa panibagong hamon ng mga Kongresista sa mga Senador na magtapat na kung pabor o  kontra  sa pag- amyenda sa saligang batas.

Ayon kay Escudero, dapat bago magsalita umamin muna ang mga Kongresista na sila ang promotor ng pagkilos para mangalap ng pirma at paamyendahan ang saligang batas.

Iginiit ni Escudero na walang karapatan ang mga Kongresista na diktahan ang mga Senador lalo’t tinatalakay pa lang sa komite ang Resolution of both Houses no 6 na tumatalakay sa Economic provisions ng konstitusyon.

Bwelta naman ni Senador Bong Go, walang karapatan ang mga Kongresista na obligahin ang mga Senador at dapat igalang ang umiiral na Inter parliamentary courtesy.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *