Mga kongresista nakalikom ng ₱13M donasyon para sa Marawi City

Nakaipon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ng ₱13 million mula sa ambagan ng mga mambabatas para sa mga biktima ng giyera sa Marawi City.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, sa ngayon  nasa 200 congressmen na ang tumugon sa panawagan ni House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez na tumulong sa mga taga-Marawi.

Umaasa si Fariñas na madadagdagan pa ang kanilang nalikom na pondo sa sandaling magpa-abot ng tulong ang natitirang 90 congressmen na hindi na nakakapag-ambag.

Umapela naman si House Deputy Speaker Raneo Abu sa mga malalaking korporasyon at kumpanya na tumulong ang muling pag-angat at pagbangon ng mga taga-Marawi.

Sa panig naman ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, mapapadali ang pagbangon ng mga biktima ng Marawi seige kung pagtutulungan ito ng buong sambayanan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *