Mga pagsabog napaulat makaraang magkasundo ng India at Pakistan sa tigil-putukan


Flashes are seen in the sky, after India-Pakistan ceasefire announcement, over Udhampur, in Indian Kashmir May 10, 2025 . (ANI via Reuters)
Read more:
https://www.gmanetwork.com/news/topstories/world/945718/explosions-reported-after-india-and-pakistan-agree-to-ceasefire/story/
More stories: https://www.gmanetwork.com/news/ Follow us: https://www.facebook.com/gmanews/
Ilang oras lamang matapos magkasundo ng India at Pakistan sa isang ceasefire, makaraan ang U.S. pressure at diplomacy, ay napaulat ang mga pagsabog mula sa main cities ng Indian Kashmir, ang sentro ng apat na araw nang labanan.
Ang mga pagsabog ay narinig sa Srinagar at Jammu, habang ang projectiles at flashes ay nakita sa dilim ng gabi sa himpapawid ng Jammu, na gaya nang nangyari nang nagdaang gabi ayon sa mga awtoridad, at mga residente.
Sinabi ni Indian Foreign Secretary Vikram Misri, na nilabag ng Pakistan ang kasunduan.
Sa isang media briefing ay sinabi ni Misri, “We call upon Pakistan to take appropriate steps to address these violations and deal with the situation with seriousness and responsibility.”
Pero sinabi naman ng information minister ng Pakistan na si Attaullah Tarar, “As of now, there have not been any ceasefire violations.”
Hindi naman agad na tumugon ang military spokesperson ng Pakistan nang hingan ng komento.
Ang labanan ay naging pinakamatindi sa pagitan ng matagal nang magkaaway na South Asian countries sa halos tatlong dekada, kung saan may banta nang pagsiklab nito sa isang malawakang digmaan sa isa sa pinakamataong rehiyon sa mundo.
Nagkaroon pa ng panandaliang pangamba na ang mga nuclear arsenals ay maaaring magamit, nang sabihin ng militar ng Pakistan na magpupulong ang isang top body na nangangasiwa sa kanilang nuclear weapons.
Subalit sinabi ng kanilang defence minister na walang ganoong nakatakdang pulong, ilang oras makaraan ang isang gabing matinding sagupaan kung saan tinarget ng India at Pakistan ang military bases ng isa’t isa, kung saan umabot sa 66 ang pinagsamang kabuuang bilang ng mga namatay.
Sinabi ni Foreign Minister Ishaq Dar sa kaniyang post sa X, “Pakistan and India have agreed to a ceasefire with immediate effect. Pakistan has always strived for peace and security in the region, without compromising on its sovereignty and territorial integrity!”
Una nang sinabi ni Misri, na ang military operations chief ng dalawang bansa ay nagkausap at nagkasundong ititigil ang labanan pagdating ng ala-5:00 ng hapon, indian time (1130 GMT), na hindi ginamit ang salitang “ceasefire”.
Sa post naman ni U.S. President Donald Trump ay nakasaad, “After a long night of talks mediated by the United States, I am pleased to announce that India and Pakistan have agreed to a FULL AND IMMEDIATE CEASEFIRE. Congratulations to both Countries on using Common Sense and Great Intelligence.”
Sinabi ni Dar na inactivate ang military channels at hotlines sa pagitan ng India at Pkistan, at tatlong dosenang mga bansa ang tumulong sa pag-facilitate ng kasunduan.
Noong Miyerkoles, inatake ng India ang anila’y “terrorist infrastructure” sa Pakistani Kashmir at sa Pakistan, dalawang linggo makaraang 26 katao ang namatay sa isang pag-atake sa Hindu tourists sa Indian Kashmir.
Itinanggi ng Pakistan ang mga akusasyon ng India na sangkot ito sa pag-atake. Sumunod dito ang mga araw ng cross-border fire, shelling at drone at missile.
Sa kabila ng kasunduan, sinabi ng dalawang Indian government sources na ang “punitive measures” na inanunsiyo ng India at sinang-ayunan ng Pakistan, gaya ng trade suspension at visa cancellations, ay mananatili sa ngayon.
Ayon pa sa sources, ang 1960 Indus Waters Treaty, na isang kritikal na water-sharing pact na sinunspinde ng India matapos ang Kashmir attack, ay mananatiling suspendido.
Hindi naman tumugon ang Indian foreign ministry sa kahilingan na magbigay ng komento.
Sinabi ni U.S. Secretary of State Marco Rubio na siya at si Vice President JD Vance ay nakipag-usap kay Indian Prime Minister Narendra Modi at Shehbaz Sharif ng Pakistan, Indian Foreign Minister Subrahmanyam Jaishankar, Pakistan army chief Asim Munir, at dalawang national security advisors sa loob ng 48 oras.
Sa isang post sa X, ay pinuri ni Rubio si Modi at Sharif sa kasunduan, na aniya ay kinapapalooban hindi lamang ng agarang tigil-putukan kundi nang pagsisimula ng usapan tungkol sa “malawak na mga isyu sa isang neutral site.”
Ang balita ng tigil-putukan ay maluwag na tinanggap sa magkabilang panig ng hangganan, at sinabi ng awtoridad sa paliparan ng Pakistan na ganap nang nabuksan ang airspace nito.
Ngunit ang kasunod na mga paglabag ay nagdulot ng alarma sa India.
Sa kaniyang X post ay sinabi ni Omar Abdullah, chief minister ng Indian Kashmir, “What the hell just happened to the ceasefire? Explosions heard across Srinagar!!! This is no ceasefire. The air defence units in the middle of Srinagar just opened up.”
Ang India at Pakistan ay nagkaroon ng hidwaan sa Kashmir, mula nang sila ay bumangon, sa pagtatapos ng British colonial rule noong 1947. Ang Hindu-majority India at Muslim Pakistan ay kapwa namuno sa bahagi ng Kashmir ngunit kapwa rin nila ito inaangkin nang buo.
Tatlong ulit na silang nagdigma, kabilang ang dalawang beses dito na dahil sa Kashmir, at ilan pang maliliit na labanan.
Sinisisi ng India ang Pakistan para sa isang insurhensiya sa bahagi nila ng Kashmir na nagsimula noong 1989 na ikinamatay ng libu-libong katao. Sinisisi rin nito ang Pakistani Islamist militant groups sa mga pag-atake sa iba pang bahagi ng India.
Itinanggi naman ng Pakistan ang dalawang paratang. Sinabi nito na nagbigay lamang sila ng moral, political at diplomatic support sa Kashmiri separatists.